Find :

September 25, 2026

Lakambini 'Lakam' Chiu, humugot na sana hindi siya binuhay ni Kim.

Lakambini “Lakam” Chiu and Kim Chiu amid qualified theft case.
Quezon City, Philippines - Nakarating sa talent manager na si Ogie Diaz ang tungkol sa 'hugot' ni Lakambini Chiu sa kanyang kapatid na si Kim matapos siyang kasuhan ng 124 counts of qualified theft.

Ani Lakam : "Sana hindi nalang ako binuhay ni Kim". Ito raw ang nasambit ng ate ni Kim sa kanyang matalik na kaibigan na nakwento ni Ogie sa kanyang Youtube vlog.

Ani Ogie : "Kasi di ba, kung matatandaan natin binuhay siya ni Kim Chiu, si Lakam. Nasambit iyon ni Lakam kasi ginigipit na siya or nagigipit na siya."

Bakit na-comatose si Lakam? ano ang sakit niya?


Kung ating babalikan, taong 2023 ay na-coma ang ate ni Kim sa loob ng 7 days at nakaratay sa ospital dahil sa sakit na bacterial meningitis.

Pinapipirma na raw si Kim ng doktor dahil wala na raw talagang pag-asa na mabuhay pa si Lakam, ito ay ibinahagi ng aktres sa Youtube vlog ni Dra. Vicki Belo noong March, 2024.

Ani Kim : "Pinapapirma na ako na, anytime, puwede na itong mamatay. Gumuho yung mundo ko. Hindi ako nakapasok talaga sa work. Nahirapan ako.."

Dagdag pa niya : "And then, nagkaroon na lang ng miracle one day.Sinabi ng doktor, ‘Ha? Okay na siya? Paano nangyari yon?’ Gumanun na lang talaga."

Lakambini Chiu, posted bail in Quezon City Court.


Sa kasalukuyan, pansamantalang nakalaya si Lakam matapos mag-pyansa ng ‘surety bond’ na nagkakahalaga ng P5.6 million.

September 17, 2026

Chloe San Jose, dinamay ang ina ni Rene Clert Baterbonia.

 

Muling nakatikim ng pambabatikos mula sa mga netizens ang girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose matapos idamay ang ina ng basketball player na si Rene Clert Baterbonia.

Muling nakatikim ng pambabatikos mula sa mga netizens ang girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose matapos idamay ang ina ng basketball player na si Rene Clert Baterbonia.


Kung ating babalikan muling nabuhay ang issue ni Chloe sa ina ni Carlos Yulo na si Angelica, dito na niya nagawang idamay si Rovelyn Baterbonia.


May isang netizen kasi ang nasa panig ni Chloe at sinabing baka anytime soon ay mapapanood naman si Angelica sa isang interview tungkol sa wedding issue.


Ani ng netizen : "Baka soon nasa tv na naman si mother niyan at magpapainterview."


Sagot ni Chloe : "Hintayin niyo magsama mama nila at mama ni rene."


Dito na na-call out si Chloe ng ibang netizens at ito ay ibinahagi ng dalaga sa kanyang IG story, nilinaw ni Chloe na wala siyang masamang intensyon sa pag-mention nito sa ina ni Rene.


Bagkos may ibang paaraan pa raw para kumita ng pera si Rovelyn na hindi umaasa sa namayapa niyang anak.


Ani ng netizen : "Why would you attack rene’s mom? Nanay nalang ni caloy since involved naman talaga kayo dun. Pero a dead person’s mom na oo mahirap at tinulongan ng anak nung buhay pa na mabuhay ibang kapatid pero di sya katulad ng nanay ni caloy na bumili ng house and lot at kotse. Literal for survival yun."


Sagot ni Chloe : "I genuinely appreciate the added perspective, based on this, I can see that the situation is more nuanced. I can’t imagine the pain of losing a child, and I truly believe him and his parents deserve justice."


Dagdag pa niya : "I still believe there are other ways to earn a living without continually relying on their story, collections or belongings. But I also recognise that I’m looking at it from the outside, If their family ever reaches out for help, I’m more than willing to help in the way I can. Hence, apologies for the misunderstading. I still hope and look forward to both mothers’ meet up!"

Angelica, inasar si Chloe San Jose at Carlos Yulo.

Angelica Yulo, Mark Andrew and Chloe San Jose
Hanggang sa ngayon ay hindi parin matapos-tapos ang issue ng pamilya Yulo dahil sa girlfriend ng kanilang anak na si Chloe San Jose.

Mukhang may nakakatuwang banat naman ang ina ng atleta matapos niyang malaman na hindi sila invited na mag-asawa sa kasal ng kanilang anak na si Carlos at Chloe.

Sa naging panayam kasi nina Carlos at Chloe kay Karen Davila, inamin nila na mas magiging masaya ang kanilang kasal kung hindi invited o present ang kanilang mga magulang.

Ani Carlos : "Kasal po namin ‘yun and relationship po namin ‘yun and mas pipiliin kong kami na lang [ni Chloe]. Ayaw ko din masira ‘yung moment namin para sa’ming dapat dalawa."

Sa AI generate video na ibinahagi ni Angelica sa Facebook, suot ni Angelica ang isang red gown habang sa ama naman ni Carlos ay isang red na barong na tila nasa harap sila ng isang simbahan at mukhang dadalo sa kasal.

Caption pa ni Angelica : "Bakit parang Di naman ako to. Prof Rj Noisap pinagtripan mo na Naman Kami In fairness si Mark Andrew Yulo kuhang Kuha ang mukha ahaha."

Ayon sa mga netizens, mukhang patama ito ng mga magulang ni Carlos sa nalalapit na kasal nila ni Chloe.