Find :

September 25, 2026

Lakambini 'Lakam' Chiu, humugot na sana hindi siya binuhay ni Kim.

Lakambini “Lakam” Chiu and Kim Chiu amid qualified theft case.
Quezon City, Philippines - Nakarating sa talent manager na si Ogie Diaz ang tungkol sa 'hugot' ni Lakambini Chiu sa kanyang kapatid na si Kim matapos siyang kasuhan ng 124 counts of qualified theft.

Ani Lakam : "Sana hindi nalang ako binuhay ni Kim". Ito raw ang nasambit ng ate ni Kim sa kanyang matalik na kaibigan na nakwento ni Ogie sa kanyang Youtube vlog.

Ani Ogie : "Kasi di ba, kung matatandaan natin binuhay siya ni Kim Chiu, si Lakam. Nasambit iyon ni Lakam kasi ginigipit na siya or nagigipit na siya."

Bakit na-comatose si Lakam? ano ang sakit niya?


Kung ating babalikan, taong 2023 ay na-coma ang ate ni Kim sa loob ng 7 days at nakaratay sa ospital dahil sa sakit na bacterial meningitis.

Pinapipirma na raw si Kim ng doktor dahil wala na raw talagang pag-asa na mabuhay pa si Lakam, ito ay ibinahagi ng aktres sa Youtube vlog ni Dra. Vicki Belo noong March, 2024.

Ani Kim : "Pinapapirma na ako na, anytime, puwede na itong mamatay. Gumuho yung mundo ko. Hindi ako nakapasok talaga sa work. Nahirapan ako.."

Dagdag pa niya : "And then, nagkaroon na lang ng miracle one day.Sinabi ng doktor, ‘Ha? Okay na siya? Paano nangyari yon?’ Gumanun na lang talaga."

Lakambini Chiu, posted bail in Quezon City Court.


Sa kasalukuyan, pansamantalang nakalaya si Lakam matapos mag-pyansa ng ‘surety bond’ na nagkakahalaga ng P5.6 million.

No comments:

Post a Comment