Hanggang sa ngayon ay hindi parin matapos-tapos ang issue ng pamilya Yulo dahil sa girlfriend ng kanilang anak na si Chloe San Jose.
Mukhang may nakakatuwang banat naman ang ina ng atleta matapos niyang malaman na hindi sila invited na mag-asawa sa kasal ng kanilang anak na si Carlos at Chloe.
Sa naging panayam kasi nina Carlos at Chloe kay Karen Davila, inamin nila na mas magiging masaya ang kanilang kasal kung hindi invited o present ang kanilang mga magulang.
Ani Carlos : "Kasal po namin ‘yun and relationship po namin ‘yun and mas pipiliin kong kami na lang [ni Chloe]. Ayaw ko din masira ‘yung moment namin para sa’ming dapat dalawa."
Sa AI generate na video na ibinahagi ni Angelica sa Facebook, suot ni Angelica ang isang red gown habang sa ama naman ni Carlos ay isang red na barong na tila nasa harap sila ng isang simbahan at mukhang dadalo sa kasal.
Caption pa ni Angelica : "Bakit parang Di naman ako to. Prof Rj Noisap pinagtripan mo na Naman Kami In fairness si Mark Andrew Yulo kuhang Kuha ang mukha ahaha."
Ayon sa mga netizens, mukhang patama ito ng mga magulang ni Carlos sa nalalapit na kasal nila ni Chloe.
